Sagot :
Answer:
ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso.
Explanation:
Si Padre Salvi ay ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso. Palibhasa'y may pakikipagtunggali sa alferez ng bayan, sa kalaunan ay inayos niya ang pagbagsak ni Crisostomo Ibarra, na minamanipula ang mga taong-bayan sa proseso.
SANA MAKATULONG AKO SAINYO
Answer:
Ang katauhan ni padre sa salvi ay nagbibigay ng kakintalan sa mga mambabasa na hindi nakikita sa pisikal na anyo ang ugali ng isang tao. Madalas ang pagbabalatkayo upang maitago ang totoong pag-uugali na umuugnay sa pahayag na ang pagiging relihiyoso ay hindi dapat nagiging batayan ng kabutihang loob. Sa pamamagitan din ng katauhan ni Padre Savi nagkaroon ng dagdag kulay sa nobela dahil isa ito sa nagsilbing kontrabida sa kwento. Naipakita rin nito ang pag-uugaling ipinakita ng mga paring pransiskano noong panahon ng pananakop. Sila ang nagpapalaganap ng salita ng diyos ngunit sila rin ang pangunahing tagapaglabag nito.