Lagi kaming magkasama ni Mila. Magkakaibigan kami.
Sa lahat ng bagay kami ay nagtutulungan. Kaibigan ko rin sila Flor, Rina at Lyn. Kasama ko sila sa paglilinis ng aming barangay.
Sa pagwawalis, pagtatanim at pamumulot ng mga kalat ay nag sama - sama kami. Pagkatapos maglinis ay sinasabi ko sa kanila na, "Tara na at kumain. "Kakain na kaming lahat sa inihandang pagkain ni nanay.