2. Pahambing kung naglalarawan ng dalawang pangngalan at may paghahambing. Halimbawa: Magkasinghaba ang buhok si Ana at Loida. Sa pangungusap na ito ang salitang magkasinghaba ay ginamit na pahambing na paglalarawan kay Ana at Loida. Pahambing dahil sa dalawang pangngalan ang ginamit sa paglalarawan at may paghahambing. Iba pang halimbawa: Ang pagong ay mas mabagal kaysa sa kuneho. Magkasinglamig ang yelo at ice cream. Ikaw naman, subukin mo naman bumuo ng sariling pangungusap na nasa antas na pahambing na paglalarawan.