Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit malaki ang pagkonsumo mo sa ibang bagay samantalang maliit sa iba?​

Sagot :

Mga Posibleng Dahilan ng Malaking Pagkonsumo

Araw-araw ay kumukonsumo tayo para sa ating mga pangangailangan o kagustuhan at maaaring magindahilan ng paglaki ng ating konsumo.

  • Posibleng mahal o mataas ang presyo ng produktong iyong kinukonsumo. Halimbawa na lamang sa pagkain, ang ilan sa atin ay sa labas (mga karinderya o fastfood) kumakain na mas malaki ang gagastusin kaysa sa pagluluto ng sariling pagkain sa bahay.

  • Hindi marunong magtipid o hindi nasusubaybayan ang pagkonsumo. Halimbawa sa paggamit ng kuryente ay lumalaki ang konsumo sa tuwing hindi natin nasusubaybayan ang pagtanggal sa saksakan ng mga gamit na kumukonsumo ng elektrisidad.

#CarryOnLearning