anong aral o mga aral ang nais ipahiwatig ng tula sa kabuuan? florante at laura​

Sagot :

[QUESTION ❓]

Anong aral o mga aral ang nais ipahiwatig ng tula sa kabuuan? florante at laura​

[ANSWER]

Anong aral o mga aral ang nais ipahiwatig ng tula sa kabuuan? florante at laura​

  • Ang mensahe ng kuwentong florante at laura ay kahit mayroon man tayong magkakaibang relihiyon o di kaya magkaaway ang ating relihiyon, kailangan pa rin nating tulungan ang isa’t isa dahil tayo ay pare-parehas na tao at kailangan natin ito upang umunlad tayo. Ang aral naman nito ay ang tumulong sa iba, magakaiba man kayo ng ugali, pinanggalingan, anyo at iba pa.

Ano ang natutunan mo sa Florante at Laura?

  • Pagrespeto sa desisyon ng ibang tao

Sinuman sa bawat isa sa atin, hindi dapat nating pakialamanan ang desisyon ng isang tao lalong lalo ng isang ama sa kanyang mga anak kung ito ay nasa tamang edad na. Kung ano ang gusto niyang gawin nararapat na suportahan natin ito, maging masaya na lamang tayo para sa kasiyahan kanila. Dahil ayon sa akda, ayaw ni Sultan Ali-Adab na magsama sina Flerida at si Aladin. Ang gusto lang naman ni Aladin ay makasama ang kanyang pinakamamahal na si Flerida. Ngunit tinutulan ito ng Sultan sapagkat may pagtingin din ito sa minamahal ng kanyang anak.

  • Pairalin palagi ang pagtutulungan ng bawat isa

Sino ba ang dapat na magtulungan, diba tayo tayo rin? Tayong lahat sapagkat tayo ay iisa lamang ang mundong ginagalawan kahit na magkakaiba tayo ng mga paniniwala at pinaniniwalaan. Magtulungan ang lahat kung ang minimithi ng bawat isa ay ang kapayapaan at kasaganaan, Magkaisa dapat tayo tungo sa isang hangarin, ang maging maunlad at maging masagana ang pamumuhay ng bawat isa. Katulad na lamang ng nagyari sa akda, ang isang tauhan na si Aladin, kahit iba ang kanyang paniniwala, hindi siya nagdalawang usup na tulungan si Florante dahil sa palagay niya na ito ang tama niyang gawin.

  • Kung ano ang ginawa mong kabutihan o kasamaan sa iyong kapwa, babalik ito lahat sa iyo

Nasabi ko ito dahil kahit na tinaksil ni Sultan Ali-adab si Aladin sa kanyang mahal na si Flerida, kahit papaano’y may kaunti pa ring respeto si Aladin dahil hindi niya linabanan ang ama, at nagpakalayo-layo nalang ito.  Nirespeto niya ang Sultan na ama ng kanyang minamahal na si Flerida, hinsdi siya naghihinakit o nagtanim ng galit kahit na tutol ito sa kanilang pag-iibigan bagkus umalis na lamang siya para umiwas sa anumang kaguluhan. Kaya kung nakagawa ka man ng masama o mabuti sa kapwa tiyak ganito rin ang babalik sa iyo, kaya nga may kasabihang "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mo ring gawin sa'yo".

  • Ang pag-ibig ay hahamakin ang lahat, masunod lamang ito.

Tulad ng nangyari sa kwento, ito ay napatunayan ni Flerida na kahit isa siyang babae at may likas na kahinaan, nagawa pa rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang mang-iibig. Nakatakas siya sa kanyang ama, at nagawa pa niyang mapatay si Adolfo. Ito ay isang katangian na napakaganda sa isang babae na marunong lumaban sa kabila ng kahinaan at ipagtanggol ng sariling kagustuhan, hamakin ang lahat kahit sarili pa niyang ama para sa kanyang iniibig.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:

Buod ng Florante at Laura: brainly.ph/question/2071080

HOPE IT HELPS ☺

✳ PRIMROWES ✳