Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat sa inilaang patlang ang T kung ito ay
tama at M naman kung ito ay mali.
1. Ang pinakaunang hakbang na dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ng pananaliksik ay ang
pagsusuri sa itinalagang ideya.
2. Nararapat limitahan ang paksa ng pananaliksik.
3. Sa pagpili ng paksa ng pananaliksik, hindi dapat isaalang-alang ang layunin ng sulatin.
4. Isa sa mga posibleng paksa para sa sulating pananaliksik ay paksang malapit sa puso mo.
5. Ang mga paksang malalawak ay hindi maaring limitahan.
6. Dapat magkaugnay ang paksa at ang layunin ng pananaliksik.
7. Sa pagsusuri sa itinalagang ideya, maari mong itanong sa iyong sarili kung bakit ka interesado sa
paksang napipisil.
8. Ang paglimita sa paksa ang pinakahuling hakbang sa pagpili ng paksa ng pananaliksik.
9. Sa pamamagitan ng paglilimita sa paksa ng pananaliksik, nagkakaroon ng pokus ang gagawin
mong sulatin.
10. Ang pagbuo ng tentatibong paksa ay nakatutulong upang maging mas mahusay ang gagawing
pananaliksik.​