Likas ang pagiging matulungin ng mga Pilipino sa kapwa tao. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng gawaing pansibiko na nakatutulong sa paglutas ng mga suliranin na kinakaharap ng lipunan. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay nagpapakita sa kahandaan at pagnanais magsasagawa ng tungkulin at pananagutan para sa ika-uunlad ng isang pamamyanan. A. kabutihang pansibiko C. pagkilos na pansibiko B. kagalingang pansibiko D. kamalayang pansibiko
2. Nakita mong tumatawid si Lola Marla sa kalye Mangga. Ano ang nararapat mong gawin? A. Alalayan ang matanda sa pagtawid. B. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid C. Pansinin siya at tanungin ang buong pangalan. D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
3. Tila nakalimutan ni Lolo Tino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa magkapitbahay. Ano ang HINDI mo nararapat gawin? A. Tanungin si Lolo Tino at tulungan siya. B. Lalapitan siya at kukunin ang dalang bag. C. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod. D. Hanapin ang pamilya ni LoloTino upang maiuwi siya.
4. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang dapat mong gagawin? A. Manonood sa mga taong naglilinis. B. Manatili sa kuwarto at magpahinga. C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya. D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa kumunidad.