Sagot :
Answer:
• Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.
• Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.