A. Sagutin ang tanong mula sa sitwasyon.
Oras ng talakayan sa inyong klase. Nagtaas ng kamay ang
isa mong kaklase ngunit mali ang sagot niya. Nakita mong
pinagtawanan siya ng mga katabi mo.
a. Ano ang sasabihin mo sa mga kaklase mong
nagtawanan?
b. Alam mong sumama ang loob ng kaklase mo,
paano paluluwagin ang kanyang kalooban?
c. Kung ikaw ang nagkamali ng pagsagot, paano mo
tatanggapin ang pagtawa ng mga kaklase mo?