Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ibigay ang mga katangian ni Crisostomo Ibarra batay sa hinihinging impormasyon:


pasagot po please​


Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4 Ibigay Ang Mga Katangian Ni Crisostomo Ibarra Batay Sa Hinihinging Impormasyonpasagot Po Please class=

Sagot :

Answer:

CRISOSTOMO IBARRA: CHARACTER PROFILE

BUONG PANGALAN:

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

MGA ALIAS:

Simoun

ETNISIDAD

- Mestizong Espanyol (Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas)

UNANG PAGPAPAKITA:

- Unang makikita sa Crisostomo Ibarra sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere: Si Crisostomo Ibarra.

MGA MAGULANG

- Ang ama ni Crisostomo Ibarra ay si Don Rafael Ibarra, isang kilalang Espanyol na negosyante na ibinastos ng kanyang mga kalaban.

Ang ina ni Crisostomo Ibarra ay hindi kilala.

PISIKAL NA KATANGIAN

Si Don Crisostomo Ibarra ay tinatawag na malinis sa kanyang mga pananamit, lalo na sa mga okasyon.

- Elegante rin ang kanyang pag-uugali at paggalaw.

KATAYUAN SA LIPUNAN

Noli Me Tangere

Sa librong ito, si Don Crisostomo Ibarra ay isang tao na nilalagay sa mataas na paningin.

Siya ay binibigyan ng respeto ng marami, maliban na lamang sa kanyang mga kaaway (e.g. Padre Damaso)

- Mayaman ang kanyang pamilya, kaya mayaman ang katayuan niya sa lipunan.

- Siya ay naging alahero upang matago ang kanyang totoong pagkakakilanlan.

- Habang hindi kasing taas ang katayuan niya sa lipunan, mayroon parin siyang hawak na katayuan dito dahil sa kayamanan na nakukuha niya sa pagiging alahero.

- Radikal ang paniniwala ni Simoun ukol sa rebolusyon, at ginawa niya ang lahat upang makaganti sa kanyang mga kalaban.

PAG-UUGALI

Masigasig

- Dahil sa pag-aaral niya sa Europa, na impluwensiyahan siya na tumulong sa pag-aayos ng mga problema sa kanyang sariling bansa.

Dahil dito, mapapansin rin na madamdamin siya sa kanyang mga idealismo at paniniwala ukol sa iba't-ibang mga isyu.

Magalang

Dahil sa pag-aaral niya sa Europa, kinuha ni Crisostomo ang mga pamantayan na isinasagawa sa ibang mga bansa sa Europa.

- Nagbibigay galang siya sa mga matatanda, at kahit na rin sa mga kasing edad niya rin.

Matalino

- Sa dalawang libro na isinalihan niya (Noli Me Tangere, at El Filibusterismo), naipakita niya na may kalakasan siya sa larangan ng pag-iisip.

Tapat sa pag-ibig

- Kahit anuman ang nangyari sa kanya, hindi siya bumitaw sa kanyang pagmamahal kay Maria Clara.

Sinabi niya rin kay Maria Clara na kahit pumunta man siya sa ibang bansa upang mag-aral, hindi siya nahulog para sa ibang babae, at ito ay naipakitang totoo.

Makabayan

- Sa daloy ng kuwento sa dalawang libro, naipakita niya ang pagnanais niya na tulungan ang sarili niyang bansa.

- Ito ay unang mapapansin sa Noli Me Tangere, kung saan napansin niya na kahit ilang taon na siya sa ibang bansa, wala paring nagbabago sa kapaligiran niya.

- Sa parehas na kuwento, gumawa rin siya ng eskuwelahan para sa mga kabataan upang matulungan ang komunidad niya.

Madamdamin

Habang siya ay mayroong galang, ito ay ibinibitaw niya ito kapag siya o ang pangalan ng kanyang pangalan ay ibinabastos ng iba.

MGA PANANAW

Kabutihang Loob

- Isa sa mga pananaw ni Ibarra ay ang lahat ng tao ay may kabutihan sa kalooban nila.

- Dahil dito, bulag siya sa ginagawang pagpapahamak ng kanyang mga kaaway sa simula ng Noli Me Tangere.

Pang-aapi

- Paniniwala ni Ibarra na kahit gusto man ng iba o hindi, may mga pang-aapi na kailangan gawin upang gumalaw ang lipunan.

- Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga abusandong guardia sibil, na hindi nagbibigay ng maayos na pagtatrato sa mga Pilipino.

Kabayanihan

Mataas ang paningin ni Ibarra pagdating sa sarili niyang bayan.

- Kahit nasa peligro na ang kanyang buhay, binigyan pansin parin niya ang mga pangyayari sa kanyang bayan.

Ginagawa rin niya ang lahat upang tulungan ang bayan niya, isa sa mga halimbawa nito ay ang paggawa ng paaralan.

Pamilya

-Mataas rin ang paningin ni Ibarra pagdating sa kanyang pamilya.

- Itinatapon niya ang kanyang galang para lamang maipagtanggol niya ang kanyang pamilya habang ito ay ibinabastos ng mga tao katulad ni Padre Damaso.

MGA MALALAPIT NA TAO

Maria Clara

-Siya ang kasintahan ni Don Crisostomo Ibarra.

- Siya ay ang anak-anakan ni Kapitan Tiago, isang mayaman na negosyante sa San Diego.

- Siya ang pinakamamahal ni Ibarra, at nung kahit narinig niya na namatay na ito, pumunta siya kumbento upang maging madre.

- Sinubukan siya ligawan ni Linares, kaso hindi ito gumana at naging tapat parin siya kay Ibarra.

Elias

- Isang lalake na lumigtas kay Ibarra sa maraming pagkakataon.

- Dahil dito, nagkaroon ng tiwala si Ibarra kay Elias, at naging katapatang-loob niya.

- Kahit magkakaiba man ang kanilang pinanggagalingan, ginawa ni Ibarra ang lahat upang maintindihan si Elias.

- Dahil sa pagkamatay nito, dito nakuha ni Ibarra, ngayong tinatawag na Simoun, ang radikal niyang paningin sa rebolusyon.

Explanation:

i hope you my help it