Talasalitaan Bigyang-kahulugan ang mga di-pamilyar na salita na ginamit sa binasang aralin. Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang kahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Pagkakita kay Don Juan, ang matandang Ermintayo ay nanambitan. (ANANNINGAL) 2. Isang tukso ang pagdatal kay Don Pedrong kasawian. (GAADNGTIP) P 3. Tumalima agad si Don Diego sa utos ng haring ama, inihanda kapagdaka ang kabayong sasakyan niya. (AMIBSIL) 4. Habang kanyang binabagtas ang parang na malalawak, ang puso niya'y nanalangin sa Birheng marilag. (TADIWINTA)