1.Alin sa sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa Nasyonalismo?

A. Pagmamahal sa bayan.
B. Kamalayan ng isang lahi na sila ay may isang kasaysayan, wika at pagpapahalaga.
C. Pagkatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa pananakop ng mga dayuhan.
D. Lahat ng nabanggit.

2. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?

A. Pagtangkilik sa sariling produkto.
B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas. C. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa panlabas.
D. Wala sa mga nabanggit.
3. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan.
B. Pagkamulat sa kanluraning panimula. C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa.
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas.

4. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito para ang mga Asyano ay matutong:

A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
B. Makisalamuha sa mga mananakop.
C. Maging laging handa sa panganib.
D. Maging mapagmahal sa kapwa.

5. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon sa Asya?

A. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
B. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
C. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa. D. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. ​