I.Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng bawat pangungusap, at MALI kung di-wasto. 1. Pagkilos nang maayos sa loob at labas ng bahay. 2. Masiglang pagbati sa mga miyembro ng pamilya. 3. Paghadlang sa kasambahay na magkaroon ng oras ng pamamasyal at pagpunta sa pook dalanginan. 4. Hindi pagpansin sa taong humihingi ng tulong. 5. Pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na natatanggap sa araw-araw. 6. Pagsasalita ng mahinahon sino man ang kaharap. 7. Pagtulong sa isang taong ayaw tulungan ang sarili sa mga problemang dumarating. 8. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit. 9. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap. 10. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan. 11. Pantay sa pagbabahagi ng pagkain sa mga kapatid. 12. Tumutulong sa mga sinalanta ng kalamidad na mga kamag-anak. 13. Kalmadong nakikipag-usap kahit naiinis. 14. Sinusunod ang mga paniniwala at gawi ng relihiyong kinabibilangan. 15. Sumusunod sa mga utos ng mga magulang at nakatatanda nang may pag-galang.