A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng wastong kasagutan.
1. Ang mga sumusunod ay kalagayang panlipunan na naganap sa panahong naisulat ang Florante at Laura MALIBAN sa isa.
A. Mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya't ipanagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa kalupitan ng mga Espanyol.
B. Naging maluwag, makatarungan at makatao ang ginawang pamamahala ng mga Espanyol sa ating bansa.
C. Marami sa mga nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksyunaryo at aklat panggramatika.
D. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim.
2. Ang Florante at Laura ay isinulat ni Balagtas noong 1838. Sa kabila ng maraming taon na ang lumipas patuloy pa rin itong binabasa at pinag-aaralan. Ang patunay na may matibay na epekto ang Florante at Laura ay
A. Isa itong Obra Maestra.
B. Isang awit na may 12 pantig sa bawat taludtod.
C. Naglalaman ng mga mahahalagang aral sa buhay.
D. Bahagi ng kasaysayan.
3. May mga layunin si Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang Florante at Laura. Isa sa mga ito ay ang
A. Makapagbili ng maraming sipi at yumaman sa pamamagitan ng kaniyang walang kamatayang akda.
B. Makabuo ng isang akdang malaalay kay "Selya" o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis.
C. Maisalin ang kaniyang akda sa iba't ibang wika at mabasa sa iba't ibang
D. Mailahad ang labis niyang katuwaan sa magagandang karanasan sa mga bansa. Espanyol.
4. Batay sa ginawang paghahambing ng pangyayari sa akda at pangyayari sa tunay na buhay sa kasakuyang panahon, sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura dahil ?
A. Bahagi ito ng kurikulum sa Baitang 8
B. Ang estilo ng bigkas nito ay pa-awit
C. Naglalaman ito ng mga salitang matatalinghaga.
D. May mga aral itong hanggang sa kasalukuyan ay naisasabuhay pa rin
5. Malinaw na ang mga pangyayari sa Florante at Laura ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan. Ipagpalagay na umiral din ang kawalang-katarungan sa iyong buhay dahil sa pagkakaiba ng kalagayan sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mong maging katulad ni ?
A. Florante, paninindigan ang alam niyang tama.
B. Adolfo na gagawin ang lahat para sa personal niyang interes.