Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang tatlong gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa mga naganap na digmaan, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang tamang sagot.
M__it_r__m_ 1. Ito ang pagpaparami ng armas upang ipagtanggol o itaguyod ang mga pambansang interes.
A __a__a 2. Ito ay pagkakampihan ng mga bansa upang magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa kanilang bansa
I__er_a_i_m_ 3. Ito ay isang paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya upang mapalawak ang teritoryo para sa pandaigdigang kapangyarihan ng mga bansang Europeo.
N__y__a_I__o 4. Ito ay damdaming nasyonalismo na nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.
E_r__e 5. Ito ay kilala bilang entablado ng digmaan.