1. Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang pagmamahal sa bayan? Magbigay ng patunay sa inyong sagot.


2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong sagot.


3. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangan Asya?


Pa-help po please need ko na po ASAP


1 Paano Ipinakita Ng Mga Bansa Sa Silangan At TimogSilangang Asya Ang Pagmamahal Sa Bayan Magbigay Ng Patunay Sa Inyong Sagot2 Paano Hinubog Ng Ideolohiya Ang P class=

Sagot :

Answer:

Sa Indonesia

Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones.  Lahat ng kapakinabangan sa mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na Kanluranin. Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng Indonesia, naapektuhan naman ng kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa ang kultura at antas ng karunungan ng mga Indones.

 Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch. Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825.  Sa taong ito ay pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa.  Noong 1930 nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga Dtuch ang puwersa ni Diponegoro.

Sa Myanmar/Burma

 Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng pagkatalo nito sa digmaan sa mga British.  Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma. Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan lamang ng Indian ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India.  Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula sa pananakop ng mga British.  Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang damdamaing nasyonalismo.

 Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob at labas ng bansa.  Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma.  Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan.

Sa Indo China

 Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga taga Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na Kanluranin.  Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga Kanluranin. Nagkaroon ng malaking epekto sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa.  Suriin ang mga epekto sa kalagayan ng kalayaan ng Indochina habang at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilgang Vietnam na pinamumunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao Dai. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa pagkakaiba ng ideolohiya.  Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa komunismo samantalang ang Timog Vietnam ay naniniwala sa demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam War na nagsimula noong 1945.  Sinuportahan ng United States ang Timog Vietnam subalit naging madugo at magastos ito para sa kaniya.  Nagwagi ang Hilagang Vietnam at naging isang bansa na lamang ito noong 1975.

Sa Pilipinas

 Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa Pilipinas sa pagitang ng ika-16 hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay nabigo.

 Ilan sa mga dahilan ay ang

•mas malakas na armas ng mga Espanyol, •kawalang ng damdaming pambansa na mag-uugnay at magiisa laban sa mga mananakop at

•ang pagtataksil ng ilang Pilipino.

PROPAGANDA  

 Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akda tulad nobela, tula, sanaysay at artikulo sa pahayagan ay ipinahayag ng mga Propagandista ang kanilang mga hangarin para sa Pilipinas. Isiniwalat din ng mga Propagandista ang mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol: ito ay ang katiwalian sa pamahalaan, pang-aabuso ng mga prayle at kawalan ng damdaming pambansa ng mga Pilipino.  Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.  Nabigo ang kilusan na makamit ang hinihiling na reporma o pagbabago dahil sa pagsasawalang-bahala ng pamahalaang Espanyol, hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi at kakulangan sa pondo.

 Bagamat nabigo, mahalaga ang Kilusang Propaganda dahil naimulat nito ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan at ang kanilang bayan.

HIMAGSIKAN  

 Ipinamalas ng mga Katipunero ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamgitan ng pagsasagawa ng himagsikan o rebolusyon. Nakita ng mga Katipunero na hindi ipagkakaloob ng mga Espanyol ang mga hinihiling na reporma ng Kilusang Propaganda.  Bunga nito, itinatag ang lihim na samahan na KKK o Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  

Explanation:

Answer:

1. Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang pagmamahal sa bayan?

Ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng nasyonalismong pakiramdam.

2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

May iba't-ibang ideolohiya at paniniwala ang niyakap ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya, may naniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniwala sa ideolohiya ito ay nagdulot ng transpormasyon sa mga bansa sa Silangan at Timong Silangang Asya.

3. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

Malaki ang naging epekto ng una at ikalawang digmaang pang daigdig lalo na sa mga mamamayan ng silangan at timog silangang asya. Dahil sa digmaan, maraming imprastraktura ang nasira at maraming bansa ay humina ang ekonomiya.

Explanation:

Hope it helps po please tell me kung wrong po ung answer(s) ko.