Sagot :
Answer:
EPEKTO NG INDUSTRIYALISASYON
1. Mataas na antas ng polusyon
2. Pagkasira ng kalikasan
3. Hindi pagka pantay pantay na kalagayang pang-ekonomiko
4. Pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon.
5. Maaring magdulot ng pagbaba ng bilang ng
mag-aaral na nag-aaral sa paaralan.
Mataas na antas ng polusyon
• Dahil sa dami ng mga paktorya, pagminina, konstruktyon, pagmamanupaktura at utilities ay nagkakaroon ng mga polusyon.
Pagkasira ng kalikasan
• Dahil sa maraming mga minahan, paktorya, konstruksyon, pagmamanupaktura at utilities, nagiging dahilan ito ng pagkasira ng kalikasan. Halimbawa dahil sa mga kemikal na ginagamit ng mga minahan sa kanilang pagmimina kung hindi tama ang kanilang pagtatapon sa mga ito.
Hindi pagka pantay-pantay ng kalagayang pang ekonomiko
• Ang mga kabilang sa mga kompanya ay yumayaman samantalang ang mga naapektuhan nito kagaya ng mga magsasaka ay maghihirap ng husto dahil mawawalan sila ng hanap-buhay. Halimbawa kung ang mga sakahan ay lagyan na ng mga konstruksyon ng mga gusali o gawing mga minahan ang mga kabundukan ay mawawalan na ng sakahan ang mga magsasaka.
Pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon
• Ang lahat ay magpapaligsahan, hindi na lahat ay magtutulungan para sa ikauunlad ng isang komunidad.
Maaring magdulot ng pagbaba ng bilang ng mag-aaral na nag-aaral sa paaralan
• Dahil mabilis ang pagbabago at maraming pag tatrabahuhan mahihilayat na mag trabaho ang mga kabataan sa halip na tapusin ang kanilang pag-aaral.
Answer:
Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga makinarya o makabagong teknolohiya para sa pagproseso ng mga produkto kaysa sa pagmamano-mano. Masasabing malaki ang naitulong ng industriya sa ating mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa dahil nagbibigay ito ng mga produktong ating pinapakinabangan sa pang-araw araw na pangangailangan. Sa panahon natin ngayon kapansin-pansin ang mga magandang pagbabago sa buhay ng tao ngayon kaysa dati. Lalo na para sa mga manggagawa, gaya ng mga magsasaka na napadali ang pagtatanim hanggang sa pag-ani. Dahil na rin sa pagsulpot ng mga pabrika ay marami ang nabigyan ng mga trabaho dahil sa mga makabagong makinarya na kanilang ginagamit sa paglikha ng mga produkto, dahil dito mas nagbibigay ito ng mas mataas na kalidad ng produkto. Nakatutulong rin ito sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pag-export ng produkto at hindi na aasa pa ang ating bansa sa mga imported.
Ngunit kinakailangan rin na malaman na sa kabila ng mga magagandang dulot nito ay may kaakibat rin na negatibong epekto tulad ng global warming, polusyon sa tubig dahil sa mga dumi at kemikal na dumadaloy dito mula sa mga pabrika, polusyon sa hangin dahil sa usok na mula sa mga pagawaan o pabrika, pagkasira ng gubat, pagkasira ng dagat at pagka-ubos ng ibang hayop, pati ang kalusugan ng mga tao ay naaapektuhan rin dahil sa polusyon. Hindi naman masama na umunlad, matuto lang tayong gumawa ng tama at wag abusuhin lahat ng mayroon tayo.