A. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol upamg mabuo ang pangungusap.

1. Ang kalikasan ay kailangang pangalagaan ___________ ng mga susunod na mga henerasyon.

2. __________ G. Abelardo, matutuloy ang pagtatanghal ng programa _____ Biyernes.

3. Isinulat niya ang tulang ito __________ Amelia, ang kanyang kasintahan.

4. Darating ang provincial bus ________ Dagupan ngayong tanghali. Nakasakay doon si Nanay at sasalubungin natin siya.

5. Walang masasabi ang mga kritiko _________ G. Valdez dahil malinis ang kanyang pagkatao.

6. Pumayag si Ramil sa kasunduan ___________ pag-aalinlangan dahil malaki ang tiwala niya kay Greg.

7. Tumakbo ________ pinakamalapit na pinto ang mga taong na takot sa narinig nilang mga putok ng baril.​