Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Kasama sa ating pangangailangan ang pagmamahal at pag-aaruga ng ating pamilya. 2. Ang tiyak na kaligtasan at seguridad sa maayos na kalusugan ay bahagi ng ating pangangailangan. 3. Ang pakiramdam ng pagiging kabilang o sense of belongingness ay emosyonal na pangangailangan ng isang indibidwal. 4. Ang pagkain, tirahan at kasuotan ang ating pangunahing pangangailangan. 5. Ang edukasyon ay pangangailangan ng isang bata na makakatulong sa paghubog ng kaniyang kaisipan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.