Explanation:
Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral.