ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa
?




Sagot :

Ang Tawag sa Pagkakampihan ng mga bansa

Ang pagkakampihan ng mga bansa ito ay tinatawag na alyansa at Ito rin ay tinatawag sa Ingles na alliance. Ang Alyansa o allience ay isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o patido at sumusuporta ito sa isang programa, pananaw at paniniwala at ang pagkakaroon ng alyansa sa bansa ito ay dahil sila ay may parehong ideolohiya at prinsipyo. Ang pagkakaroon ng alyansa ay maaaring dahil sa mga namumuno. At ang isa pang dahilan ay dahil sa pagtatayo ng negosyo at iba pang mga programa. Ang pagkakaroon ng alyansa ay isang mahalaga upang magkaroon ng kakampi ang mga bansa at may magaalalay sa oras ng pangangailangan at ito din ay makakatulong sa pagunlad ng kanilang ekonomiya at pagpapatuloy ng globalisasyon.

Mga halimbawa

Halimbawa ng alyansa sa pagitan ng mga bansa ito ay ang mga sumusunod:

Allied power

Noong ikalawang digmaang pandaigdig na binubuo ito ng mga  bansang US, China, France, Great Britain, Russia

Axis power

Noong ikalawang digmaang pandaigdig ito ay binubuo ng bansang Italy, Germany, at Japan

ASEAN

Ito naman ay para sa mga bansa sa Southeast Asia

Tripple Alliance

Alyansang binubuo ng bansang Austria, Hungary, at German

Mga Uri ng Alyansya

Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga kilalang alyansa na mayroon sa kasalukuyan at ng Unang Digmaang Pandaigdig.

• Airline alliance

• Business alliance

• Military alliance

• Political alliance

• Therapeutic alliance

Military alliance

Ang Military alliance ay tumutukoy sa alyansa na mayroon ang mga bansa at ito ay nagbibigay halaga sa kaligtasan at seguridad na mayroon ang mga mamamayan.

Political alliances

Ang Political alliances ito ay tumutukoy sa mga alyansa at binubuo ito sa pamamagitan ng bansa. Kadalasan ang mga ganitong uri ng alyansa ay binubuo ng mga bansa na mayroong magkakaparehong ideolohiya. At ang mga ito rin ay makikita sa mga political parties.

Therapeutic alliance

Ang Therapeutic alliance ito naman ay tumutukoy sa mga relasyon na mayroon ang isang doktor at sa kanyang pasyente

#https://brainly.ph/question/1397394

#https://brainly.ph/question/2079188

#https://brainly.ph/question/518672

#BRAINLYEVERYDAY

#SPJ2