Sagot :
Answer:
Ano nga ba ang HDI?
Ang HDI o ang Human Development Index o Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao (sa Tagalog) ay isang indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kanilang kaunlarang panlipunan, ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad.
Ano nga ba ang kahalagan ng HDI?
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang mas dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Sinusubukan ng HDI na iranggo o ihanay ang mga bansa mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na kaunlarang pantao. Gumagamit sila ng tinatawag na Human Development Report upang matukoy ang mga bansang ito.
Ano ang Human Development Report?
Ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo. Ito ay sinimulan gawin ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.
Magbigay ng mga bansa na kasali sa Taluntunan ng Kaunlarang Pantao
- Norway
- Australia
- Netherlands
- United States
- New Zealand
- Canada
- Greece
- South Korea
- Denmark
- Hong Kong
- Quatar
- Croatia
Kung nais mo pang makabasa ng iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:
- Ano ang mga batayan ng HDI?: https://brainly.ph/question/2091025
- Paano sinusukat ang HDI?: https://brainly.ph/question/1377900
#LetsStudy