Sinasabing ang pagsulong at pag-unlad ay medyo magkakatulad
gayunpaman mayroon pa din itong pagkakaiba. Ang pag-unlad ayon kay Feliciano R.
Fajardo ng Economic Development (1994), ay isang walang katapusan at progresibong
proseso samantalang ang pagsulong naman ay ang resulta o bunga ng nasabing
pag-unlad.