Sagot :
Ang pikit mata ay isang halimbawa ng sawikain, ito ay nangangahulugan ng paggawa ng isang bagay na hindi niya gusto o labag sa kanyang kalooban, minsan nag pipikit mata tayo sa mga bagay bagay na nangyari sa ating paligid dahil natatakot tayo na baka ika pahamak pa natin ito papansinin o pupunahin natin.
Halimbawa nito sa pangungusap upang lubos nating maunawaan
- Pikit mata ang ginawa niyang pag-inom ng mapait na gamot, dahil alam niyang dito bubuti ang kanyang pakiramdam.
- Marami ang ilan sa atin ang nag pipikit mata sa mga katiwalian sa pamahalaan.
- Kahit siya ay nanatakot pikit mata niyang tinulungan ang batang nasagasaan dahil sa awa dito.
- Pikit mata niyang tinatanggap ang panglolokong ginagawa ng kanyang asawa para sa kanyang mga anak.
- Pikit mata ang mga tao sa ginagawa ng kanilang pinuno sa kanilang tribu dahil alam nilang ikapapahamak nila pag nakialam sila dito.
Ang sawikain o Idioma ay bahagi na ng ating panitikan ito ay ang mga salitang matalinhaga na nag mula pa sa ating mga ninuno at magpasa hanggang ngayon ay ginagamit o naririnig parin natin sa pang araw-araw ito ay nagbibigay ng hindi tiyak na kahulugan sa salitang isinasaad nito.
Ilan sa mga halimbawa ng sawikain
- anak pawis
- bukal sa loob
- anak dalita
- bahag ang buntot
- nagbibilang ng poste
- taingang kawali
- kutis labanos
- nagmumurang kamatis
buksan para sa karagdagang kaalaman
halimbawa ng sawikain https://brainly.ph/question/38937
kahulugan ng sawikain https://brainly.ph/question/227519
sawikain ang kahuliugan nito https://brainly.ph/question/2184929