Ano ang kahulugan ng Tungro

Sagot :

ang tungro ay isang mapaminsalang sakit para sa mga palay dito sa pilipinas at karatig bansa.. malalaman mo na pag ang palay ay may tungro kapag ang palay ay lanta dahil sinsipsip nito ang dahon at suwi ng palay ^.^


Ang TUNGRO ay nangangahulugan sa English ng "degenerated growth" at ito'y unang namataan dito sa Pilipinas.

Ang tungro ay nakakahawa ng peste sa mga palay na pinapayabong at inaalagaan ng mga magsasaka sa ating bansa, at gayundin yung mga wild rice at pati na rin ang mga damuhan na matatagpuan sa mga palayan.

Ang tungro ay isang sakit na sanhi ng dalawang pinaghalong viruses na kung saan naihahatid sa pamamagitan ng mga leafhoppers. Ito'y nagdudulot ng pag-iibang kulay ng mga dahon ng palay, pagkabansot (stundted growth), mababang ani ng palay at pagkabaog ng palay o kaya konting laman ng butil ng mga palay.