Sagot :
Ang karapatan ay isang prebilihiyo na dapat tamasahin ng bawat tao na kasapi ng isang bansa. Dahil dito binibigyan ang mga mamamayan na gumawa ng mga bagay na may kalayaan. Nakasaad sa ating saligang batas at pinagtibay upang higit pang tamasahin ng isang Pilipino kung ano ang para sa kanya.Mahalagang malaman niya ang kaniyang mga karapatan:
- Mapahalagahan ang buhay niya bilang tao.
- Mabigyan ang bawat isa ng kalayaan, pamilya, komunidad at bansa
- Mabigyan ng pagkapantay-pantay sa harap ng ating batas
- Mabiyan ng ng karapatan at magkaroon ng sariling buhay.
- Napahahalagahan ang karapatan sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon.
Ang mga karapatan ay gumagabay sa bawat nilalang. Pero hindi ibigsabihin lahat ng mga ito ay gagawin mo. Ang karapatan ay may limitasyon lalo na kung ito ay may pag-aabuso. Gaya nga ng pahayag “Ang Karapatan ay may kaakibat na Tungkulin.” Ibigsabihin ang karapatan ng isang tao ay magiging makabuluhan kung alam natin kung ano ang katapat o kaakibat na tungkulin sa ating sarili, pamilya, komunidad at sa ating bansa. Lahat ng ito ay nasasaad sa ating saligang batas na kung saan Malaya niyang pinagtitibay at pinahahalagahan maging karapatan man ito ng bata o matanda.Ang mahalaga sinusunod natin ito para sa kabutihan ng lahat ng nasa paligid natin.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
https://brainly.ph/question/1358407
https://brainly.ph/question/2609732
# LetsStudy