Sagot :
Sino nga ba ang sumulat ng Ibong Adarna ?
Kung babasahin mo ang aklat ng Ibong Adarna ay wala kang makikitang manunulat na sumulat nito, ngunit ayon sa ilan na ang sumulat ng Ibong Adarna ay walang iba kundi si Jose dela Cruz na kilala rin sa bansag na Huseng Sisiw siya ang tinaguriang pinaka bantog na makata noon sa Tondo siya rin ang nagturo kay Francisco Balagtas na gumamawa at bumigkas ng tula kaya naging napakahusay ni Blagtas sa larangan ng pagsulat dahil naging inspirasyon din niya si Jose dela Cruz.
Kanino nga ba iniaalay ng may akda ng Ibong Adarna?
Noong una ay tradisyon nan g mga makata na ialay ang kanilang mga kurido sa Birheng Maria, Ito ay katangian na ng panulaan noong panahon ng Espanyol na ang layunin ay palaganapin ang pananampalatayang katoliko.
Kaya naman sinimulan ng manunulat ang kanyang akda sa sa pagpuri sa Mahal na Birheng Maria, Para sa kanya si Birheng Maria ay nagbibigay liwanag ng isip para siya ay hindi magkamali , spagkat inaamin ng manunulat na siya ay isang hamak lamang na mayroong mahinang katawan at isipan. Siya raw ay tila naglalayag ng mag-sa at ng siya ay mapalayo na ay hindi na niyang kayang bumalik pa. Humingi rin siya ng gabay sa pagpaplano ng kayang buhay, hiniling din niya n asana ay pakinggan ng mahal na Birhen ang kanyang nilikhang korido.
Ang Ibong Adarna
Ang ibong Adarna ay tungkol sa buhay ng tatlong Prinsepi na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na sina Prinsipe Pedro,Diego at Juan, Nilalaman nito ang kanilang masalimuot na pinagdaanan na sumubok sa kanilang tapang at katatagan sa pakikipagsapalaran upang mahanap ang Ibong Adarna na sinasabing siya lamang makakagamot sa kanilang mahal na amang hari na si Haring Fernando. Bagamat sila ay magkakapatid ngunit meron silang ibat-ibang ugali, na siyang mas lalong nagpatingkad sa magandang korido na naging dagdag sa excitement sa mga babasa nito. Dagdag pa dito ang mga naging kwento ng pag-iibigan ng kanilang mga napangasawa.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Mga tauhan sa ibong adarna https://brainly.ph/question/112864
Buod ng ibong adarna saknong 232-274 https://brainly.ph/question/2131746