anong ibig sabihin ng dote?


Sagot :

Ibig Sabihin ng Dote

Ang dote ay isa sa tradisyon ng kulturang Islam. Ang ibig sabihin ng dote ay ari-arian o salapi na ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng babaeng papakasalan. Ito'y isinasagawa bago ikasal at hindi maaaring maganap ang kasal hangga't walang dote. Ito'y kadalasang lupa, hayop, kagamitan o salapi. Ito'y handog sa Tagalog at dowry sa Ingles.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang dote sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Kasama ni Roger ang kanyang pamilya bukas sa pagbibigay ng dote sa pamilya ni Aurora.

  • Dahil walang lubos na kakayahan sa buhay, tinanggap ng kanyang pamilya ang kanyang paglilingkod ng isang Linggo bilang dote.

  • Malaking halaga ang dote na natanggap ng pamilya ni Ruby kaya naman masaya ang kanyang pamilya.

Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Islam at Hinduismo:

https://brainly.ph/question/2721426

#LearnWithBrainly