Ang ‘Florante at Laura’ ay isang epikong isinulat ng Pilipinong manunulat na si Francisco Balagtas o Francisco Baltazar. Ito ay tungkol sa buhay at pag-iibigan ng magkasintahang Florante at Laura sa kaharian ng Albanya. Ang tauhang si Flerida sa epiko ay ang kasintahan ng karakter na si Aladin, anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya. Nagustuhan ni Sultan Ali-Adab si Flerida kaya gusto niya itong pakasalan kahit ito ay kasintahan na ng kanyang anak.