Sagot :
Answer:
Ang damdamin ng pagsulat ng tula gaya ng tanka at haiku ay nakabase sa inspirasyon o dahilan nang pagsulat ng mga ito. Ang mga tula na kagaya ng tanka at haiku ay karaniwang pumapaksa sa kalikasan o mga elemento ng kalikasan.
Ito ay maaaring pagsasalaysay ng pagmamahal, pighati, pagsusumamo, pagbabahagi ng karanasan, o paglalarawan ng kapaligiran. Ito ay sinusulat sa matalinhagang pamamaraan o kadalasang gumagamit ng tayutay. Maaari ding gumamit ng mga simbolo para magpahayang nang mas malalim pang kahulugan.
Explanation:
Ano ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku?
Ang tanka ay isang paraan ng pagsulat ng tula na binubuo ng limang (5) taludturan na may tatlomput isang (31) pantig. Ang bawat taludtod ay may eksaktong bilang ng pantig:
- Unang taludtod (5)
- Ikalawang taludtod (7)
- Ikatlong taludtod (5)
- Ika-apat na taludtod (7)
- kalimang taludod (7)
- Ang tanka ay isang paraan ng waka, isang awit o kataga at sumasalin bilang “maikling awitin.” Ito ay ginagamit noon upang magpahayag ng damdamin sa minamahal o ang sinaunang paraan ng panliligaw.
- Ilan sa mga kilalang manunulat na gumagamit ng tanka ay sina Lady Akazone Emon, Yosano Akiko, at Lady Murasaki Shikibu na sumulat ng The Tale of Genji.
Ang haiku ay isang paraan ng pagsulat ng tula na binubo ng tatlong taludturan na may labinpitong (17) pantig. AAng bawat taludtod ay binubuo ng eksaktong bilang ng pantig:
- Unang taludtod (5)
- Ikalawang taludtod (7)
- Ikatlong taludtod (5)
- Ang haiku ay karaniwang pumapaksa sa kalikasan o mga elemento nito. Ito ay hindi kinakailangang may tugma. Ito ay kadalasang may kigo, o ang paglalarawan ng panahon kung kailan ito isinulat. Ito ay maaaring may may dalawang magkasalungat na ideya. Ang haiku ay karaniwan ding ginagamitan ng matalinhagang mga salita o tayutay.
Para sa iba pang mga halimbawa at paliwanag, tingnan ang mga sumusunod:
- https://brainly.ph/question/422425
- https://brainly.ph/question/225319
- https://brainly.ph/question/873408