sino si celia kay balagtas

Sagot :

Celia:

Si Celia sa buhay ni Balagtas ay ang kanyang unang pag - ibig.

Si Celia ay ipinakilala ni Francisco Balagtas sa kanyang akda na Florante at Laura. Ang totoong katauhan ni Celia ay ang dalagang si Maria Asuncion Rivera. Si Maria ay nakilala ni Balagtas habang siya ay namamalagi sa Pandacan. Sa kasawiang palad si Balagtas ay ipinakulong ni Mariano Capule dahil sa paniwalang si Balagtas ay itinatangi din ng dalaga. Sa kanyang paglaya ay hindi na niya pinursigi ang dalaga sa halip ay lumipat siya ng Tondo. Kalaunan ay namalagi siya sa Balanga, Bataan. Dito ay nakilala niya ang kanyang naging kabiyak na si Juana Tiambeng.

Sa kabila ng pagkakaudlot ng pag - iibigan ni Celia at Balagtas ay naging matagumpay ang akda niyang Florante at Laura. Marami ang naantig sa paraan ng pagkakasulat ng bahaging Pag - aalay Kay Selya. Sa mga unang saknong ay itinatanong ni Balagtas kung nasaan na ang kanyang dating minamahal. Inaalala niya kung baka nakalimot na si Selya sa kanilang pag-iibigan. Ang pagkalimot na ito, ayon kay Balagtas, ay ang ikinalubog ng kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Pero iginigiit naman ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang pagmamahalang iyon. Ito ang mga panahon na si Balagtas ay nakapiit at si Mariano Capule ay malayang sinusuyo si Maria.

Keywords: Celia, Balagtas

Pag - aalay Kay Selya: https://brainly.ph/question/2587725

#LetsStudy