Ang Parthenon ay isang sinaunang templo na siyang matatagpuan sa Acropolis sa sentro ng Athens sa Gresya. Sinasabing nabuo ang Parthenon noong kalagitnaan ng ika-limang siglo bilang isang templong alay sa Diyosang si Athena.
Kinikilala ang istrukturang ito bilang isa sa mga tanda ng abanteng kakayanan ng mga sinaunang Griyego sa larangan ng arkitektura.