limang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong minoan at mycenean

Sagot :

Hello there! I really can't state what are those 5 important events happening on the said civilization. But I can help you find what are those important events...

Kabihasnang Minoan
3100 BCE
  - Nagsimula ang sibilisasyong Aegean.
1600 - 1100 BCE

   - Narating ng Crete ang kanilang tugatog.
   - Umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegean.
   - Dumarami ang bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.
1400 BCE
   - Nagwakas ang Kabihasnang Minoan nang salakayin ito ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. 

Kabihasnang Mycenaean
1400 BCE
   - Isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay lubos ng masakop at magupo nila ang Crete.
   - Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong Kabihasnan ng Greece.
1100 BCE
   - Isang pangkat ng tao mula sa hilaga na tinatawag na Dorian ang pumasok sa Greece at iginupo nila ang mga Mycenaean.
   - Isang pangkat naman ng tao mula sa timog na tinatawag na Ionian na may kaugnayan sa Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece at sa hangganan ng karagatang Aegean.
1100 - 800 BCE
    - Nasa ilalim ng Dark Age o Madilim na Panahon ang Greece.
800 - 400 BCE
    - Umusbong ang Kabihasnang Hellenic at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

P.S.
    - Whew! Hope that helps. Btw, some answers came from my module and handouts. Ask me if you need some clarification. I'm open to help others! ^_^ 
-Domini =)