Ang passive resistance ay isang porma ng paglaban nang walang dahas. Mas nakilala ang paraan ng paglaban na ito sa mga Hindu na noo’y pinamumunuan ni Mohandas Gandhi sa India.
Ang hunger strike o sapilitang pagpapagutom ay ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa ilalim ng pamumuno ni Mohandas Gandhi (Mahatma Gandhi) upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga mananakop na Briton noon.