Sagot :
Ang kalayaan na tinutukoy ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay isang mahalagang konsepto na matagal nang tinatalakay sa buong mundo, lalo sa bansa at kontinente na kanyang kinabibilangan, ang Africa. Ang kalayaan na ito ay mahalaga upang magkaroon ng sariling identidad at pagkatao ang bawat mamamayan ng isang bansa.
Kalayaan para sa tao
- Ang kalayaan ay mahalaga para sa tao sapagkat dito ay nabibigyan tayo ng pagkakataon na gamitin ang ating isip sa paggawa ng mga desisyon.
- Hindi natin kailangan dumepende sa kung sino man upang malaman natin ang mga bagay na gusto nating malaman, at magawa natin ang mga bagay na gusto nating magawa.
- Sa pamamagitan ng kalayaan ay nagkakaroon tayo ng validation sa ating pagkatao.
Mga uri ng kalayaan na mayroon ang isang tao
- Kalayaan na mabuhay
- Kalayaan na magkaroon ng sariling paniniwala
- Kalayaan na magsalita
- Kalayaan na maipahayag ang sarili
- Kalayaan na makihalubilo sa iba
- Kalayaan na mamili ng relihiyon
Kalayaan para sa lahi
Ang kalayaan para sa lahi ay dapat bigyang pansin lalo na kung ang pinag uusapan ay isang grupo ng mga tao. Sa Pilipinas, halimbawa, ang mga Pilipino ay matagal na nawalan ng kalayaan lalo na noong sakupin tayo ng mga kanluraning bansa. Dahil dito, nawalan tayo ng sariling pagkakakilanlan
Kalayaan para sa isang bansa
Ang kalayaan para sa isang bansa, ayon kay Mandela, ay mahalaga sapagkat ito ay nagsisilbing pundasyon ng mga mamamayan na nakatira dito. Dapat na magkaroon ng liberty o kalayaan ang isang bansa na gumawa ng mga desisyon para sa ikabubuti nito at ng mga mamamayan na nakatira dito, nang hindi pinahihimasukan ng iba pang bansa
Para sa karagdagang kaalaman ukol kay Nelson Mandela, sumangguni sa mga sumusunod na links:
Sino si Nelson Mandela? https://brainly.ph/question/478249
Paglalarawan kay Nelson Mandela: https://brainly.ph/question/484928
Layunin ni Nelson Mandela: https://brainly.ph/question/493687