ano ang ibig sabihin ng karalitaan

Sagot :

Ibig sabihin ng Karalitaan

Ang karalitaan ay tumutukoy sa kasalatan o lubhang kahirapan; kaakibat nito ang kawalan ng pagkain, kita, at kakayahang makapag-aral. Ito ay bunga ng hindi maayos na pamamahala ng yaman o matalinong pagpapasya sa kinabukasan. Isa din ito sa palaging problema ng isang bansa.

Mga dalihan ng karalitaan sa isang bansa

  • Ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa ay may malaking epekto sa mga mamamayan. Lubos na naaapektuhan ng ganitong pangyayari ay yaong mga mahihirap na mamamayan sapagkat kahit pambili ng pagkain ay walang kakayahan ang mga ito.
  • Mababang antas ng nakatapos sa pag-aaral; isa ang mga mamamayan sa maituturing na yaman ng bansa. Ang pagtaas ng bilang ng propesyonal ay siya rin pagtatag ng ekonomiya sapagkat sila ang magsisilbing utak ng bansa. Kapunapuna na ang bansang mayayaman ay yaong mga bansang may pagpapahalaga sa edukasyon.
  • Ang pagtaas ng krimen at droga ay siya rin paglaganap ng karalitaan sa bansa; sapagkat, nilalason nito ang utak ng bawat mamamayan para makapag-isip ng magandang kinabukasan.
  • Ang katiwalian at korupsiyon ng mga opisyal ng pamahalaan ay isa sa mga sanhi ng karalitaan. Sapagkat ang pondo at yaman ng bansa ay ginagamit sa pansariling kapakanan lamang.

Sa pagtahak sa mundo, mahalagang may malalim na pag-iisip upang maiwasan ang karalitaan dulot ng pamumuhay; ang matalinong pagpapasya ay inaasahan sa bawat isa upang maging matagumpay sa bawat larangan.

Maglaan ng kaunting oras na puntahan ang link na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa karalitaan.

https://brainly.ph/question/706476

https://brainly.ph/question/542431

https://brainly.ph/question/518912

#LearnWithBrainly