Ano ang kahulugan ng namumutawi?


Sagot :

Kahulugan ng Namumutawi

Ang salitang namumutawi ay isa sa mga malalalim na Tagalog. Ito ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na mutawi. Ito rin ay isang pandiwa. Ang ibig sabihin ng namumutawi ay lumalabas sa bibig ang mga salita, binibigkas ang mga salita o sinasabi. Sa Ingles ito ay being uttered.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang namumutawi sa pangungusap upang mas maintindihan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • Puro magagandang salita ang namumutawi sa kanyang bibig kaya naman marami siyang kaibigan.

  • Kahit anong pilit ay walang namumutawi na salita mula sa kanya dahil sa matinding takot.

  • Hindi namin inaasahang marinig mula sa isang anak ang lahat ng kanyang namumutawi laban sa kanyang mga magulang.

Kahulugan ng Pandiwa:

https://brainly.ph/question/416298

#LearnWithBrainly