Sagot :
El Filibusterismo Kabanata 38
“ Kasawian”
Buod
Naging bukangbibig bilang tagahasik ng kasamaan, sinalakay niya ang dalawang lalawigan na sunod-sunuran sa kapangyarihan, Tiningala ng marami si Matanglawin bilang pinagpipitagang pinuno . ang laban Ni Matanglawin ay laban din ng taong bayan ,Pakikitunggali iyon ng mga abang inaapi ng lipunan.
Sa pangamba nga lahat ay naapektuhan ang kalakal ng ekonomiya sa bawat lalawigan. Walang gustong magtinda sa mga pamilihan at wala ring gustong bumili ng inaalok na produkto sa lansangan , sapagkat nag-aalala ang mga mamamayan baka pati sila ay madamay at paghuhulihin ng mga guwardiya sibil.
At tama nga ang hinala ng mga mamamayan pitong katao ang napisil na hulihin, pinaikot ikot ang mga ito sa kabayanan, pinaakyat sa taas ng bundok sa kabila ng init ng araw at walang sapin sa paa itinuring silang mga alipin habang patuloy ang pagpaparusa ,sipa,daguk at hampas ng baril sa ulo ang parusang ipinapataw sa kanila.
May isang guwardiya sibil ang walang awang nagpaparusa sa mga bihag walang iba kundi si Mautang. Kaya sinita ito ng batang batang sundalo na si Carolino na walang iba kundi si Tano. Pero ayon kay mautang kailangan daw nilang maging marahas sapagkat kung lalambut-lambot sila ay tiyak na mag aalsa lahat ng tao na dapat iisang tabi ang awa para sa kanya may magpaparusa at may dapat parusahan.
Sa kanilang paglalakad ay may biglang nagpaputok sa tuktok ng bundok at natamaan nga si Mautang at agad naman nitong ikinamatay, dahil si Carolino ang pinakabagong sundalo at pinakabata siya ang inutusan ng corporal na umakyat ng bundok,may isang matanda ang kumakaway sa kanya na may hawak ng baril di maintindihan ni Carolino ang sinasabi nito bagkus ang tangin naiintindihan lamang niya ay ang sigaw ng corporal at mga kasamahan niyang sundalo na paputukan na ang matanda, ginawa niya iyon at agd namang bumulagta sa lupa ang matanda ng lapitan niya ito hindi siya maaring magkamali iyon ang kanyang lolo Selo. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at yakapin ang katawan ng matanda at humingi siya ng kapatawaran dito, at ipinikit nalang niya ang nakadilat na mata ng matanda ng malagutan ito ng hininga.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
El Filibusterismo talasalitaan kabanata 38 https://brainly.ph/question/2094821
Ano po ang Simbolismo ng kabanata 38 ng El Filibusterismo https://brainly.ph/question/1376748