Bakit mahalaga pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?

Sagot :

Mahalagang pag aralan ang nobelang Noli Me Tangere upang matutunan natin ang mga mahahalagang aral noong panahon na andito pa sa ating bansa ang mga dayuhan na Kastila. Nakapaloob sa nobelang ito ang mga mensaheng nais iparating ng may akdang si Dr. Jose Rizal.  

Nilikha ang nobelang Noli Me Tangere ng ating pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal noong 1887. Hango ito sa salitang Latin an ang ibig sabihin ay "Touch me not". Nilikha ang akdang ito sa wikang Espanyol at kalaunan ay nilimbag sa wikang Filipino upang mas maintindihan ng mga Pilipino. Sinundan ito ng pangalawang nobela na El Filibusterismo. Isinaad sa nobelang Noli Me Tangere ang mga isyu at temang tungkol sa mga sumusunod:

  1. Pagmithi ng ating kalayaan mula sa mga dayuhang Espanyol. Naramdaman ng mga Pilipino mula sa pagbabasa ng nobelang ito ang matinding kagustuhan ng ating bayani na maging malaya mula sa mga mananakop. Ipinakita niya ang istorya ni Sisa at Basilyo, ang mga Pilipinong indiyo na nakaranas ng pang aapi mula sa mga prayle at kastila.  
  2. Pagiging deboto ng mga Pilipino at iba pang tauhan sa pamilya. Ipinakita sa nobelang ito ang kahalagahan ng pamilya. Kung paano binibigyang importansya ng bawat tauhan ang kanilang pamilya. Si Sisa ang isa sa mga tauhang nagpakita ng labis na pagmamahal sa kanyang mga anak.
  3. Pagiging makabayan. Si Elias at Crisostomo Ibarra ang ilan sa mga tauhan ng nobela na gumawa ng paraan upang lumaban sa mga mapang abusong kastila upang makalaya sila sa mga ito.

Bukod sa mga aral, napakahalaga rin ng mga isinaad na mga tagpo, kaugalian at tradisyon sa nobela upang malaman natin ang ating nakaraan at kasaysayan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Noli Me Tangere, basahin ang mga sumusunod:  

  • Settings on noli me tangere? : https://brainly.ph/question/427528
  • Reflection of noli me tangere : https://brainly.ph/question/2464678
  • Noli me tangere kahulugan : https://brainly.ph/question/2569531