anu po ang antas ng pang-uri


Sagot :

ang mga antas ng pang-uri ay ang mga sumusunod:
Lantay-payak na paglalarawan ng isang pangngalan o panghalip
Pahambing- pang-uring nagtutulad sa dalawa o higit pang pangalan o panghalip
Pasukdol-katangiang nagpapalamas ng pagiging katangi-tangi o nangigibawbaw sa lahat ng pinahahambingan.

Meroong tatlong antas ng pang-uri: Lantay, Pahambing, Pasukdol.

Lantay - Ito'y naglalarawan sa isang bagay ng walang hinahambingan.
Halimbawa:
Maganda si Sophia.
Matalino si Jane.

Pahambing - Naghahambing sa dalawa (o higit pa) na pangngalan o kaya nama'y panghalip. Meroong dalawang klase ng pahambing: pahambing na magkatulad at pahambing na di - magkatulad.

Pahambing na magkatulad - ipinapakilala ang magkatulad na katangian ng dalawang bagay na inihahambing.
Hal. 
Magkakasinggbango ang mga bulaklak.
Magkasingtangkad ang dalawang magkapatid.

Pahambing na di-magkatulad - may dalawang klase ng pahambing na di-magkatulad: pahambing na pasahol at pahambing na palamang.

a. Pahambing na pasahol - tinutukoy ang kakulangan o pagkakapos ng inihahambing. Ginagamit ang mga salitang di - gaano at tulad dito.
Hal.: Di gaanong malinis ang mga mga kalsada sa Maynila kaysa sa probinsiya.

b. Pahambing na palamang - tinutukoy ang katangiang mas nakahihigit.
Hal.: Mas nakakahalina ang mga bulaklak sa parkeng ito kaysa sa mga bulaklak sa ating hardin.

Pasukdol - ang pasukdol ay isang antas ng pang-uri. Ito ang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Hal.:
Pinakamataas na bundok ang Mt. Apo sa Pilipinas.