Sagot :
Answer:
Nasyonalismo
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal sat pagpapahalaga sa inang bayan. Napapaunlad nito ang pagyakap sa tradisyon, kultura, kagawian at respeto sa lahat ng aspeto ng pagiging isang Pilipino. Mas madaling uunlad ang isang bansa kung ang mga tao ay may pagtangkilik at pagmamalaki sa sariling bansa.
Mga Halimbawa ng Nasyonalismo o Pagmamahal sa Bansa
- Paggamit ng maayos at may pagmamahal sa wikang kinagisnan at wikang nakasanayan.
- Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
- Pagmamahal at pagsasabuhay ng mga kultura at mga tradisyon.
- Paggalang sa watawat na sumisimbolo sa bansa at maayos na pag-awit ng pambansang-awit.
- Pagsunod sa mga batas at patakaran na dapat sundin at isabuhay.
- Pagmamalaki sa mga sariling likha.
- Pagmamalaki na ikaw ay ipinanganak sa bansang kinalakihan.
- Paggampan sa mga tungkulin at responsibilidad.
- Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
- Paggalang at pagrespeto sa kapwa mamamayan.
- Pag-iwas sa makadayuhang kaisipan.
- Paggalang sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
Bilang mamamayan may mga tungkulin at responsibildad tayong dapat gampanan, karapatan na dapat matamasa, batas na dapat sundin at higit sa lahat ang ibigay ang buong pagmamahal sa bansa. Nabubuhay tayo sa modernong lipunan kaya bilang ambag dapat maipakita natin ang pagmamahal at pagrespeto natin sa ating bansa o ang pagkakaroon ng nasyonalismo.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:
Kahulugan ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1194903
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1146895
Iba pang Halimbawa ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1086879
#LetsStudy