Answer:
Ayon sa mga ekonomista, ang sektor ng industriya ang pinakadinamiko sa lahat ng sektor ng ekonomiya dahil lumilikha ito ng magkakaugnay na gawain. Halimbawa, ang industriya ng pagbubuo ng laptop na nagbubukas ng demand para sa processor, hard drive, system memory, screen, video card, at iba pang bahagi ng isang computer. Dulot nito, nagkakaroon ng karagdagang trabaho para sa mga manggagawa. Ang karagdagang trabaho ay nangangahulugang karagdagang kita at karagdagan ding konsumo.