B. Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay "Ang El Niño at ang Hinaharap ng
Ekonomiya ng Bansa". Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang inyong
sagot.
"Ang El Niño at ang Hinaharap ng Ekonomiya ng Bansa"
Darating na ang El Niño! Ganito ang maraming balita sa kahit saan kasabay
ang balitang magkakaroon ng paghihirap sa bigas dahil sa tagtuyot na magaganap.
Ano ba ang "El Niño? 'Bakit pinangangambahan ng marami ang kanyang pagdating?
Ang El Niño na dumating tuwing ikalawa o ikapitong taon ay ang pana-
panahong pag-init ng Equatorial Pacific Ocean na nakaaapekto sa klima ng buong
daigdig. Ang pangalang El Niño na nangangahulugang ang bata, ay salitang
ginagamit ng mga mangingisdang Peruvian na nakapuna na dumarating ang mainit na
tubig tuwing Pasko, panahon ng kapanganakan ng Niño Hesus.
Sa Pilipinas, ang 1982-1983 El Niño ay nag-iwan ng pangmatagalang epekto
sa kondisyon ng panahon ng bansa. Walang sapat na ulan noong 1985 sa Maynila
ngunit nang dumating ang ulan noong 1986, bumaha sa maraming lugar.
Iba't ibang paraan ng paghahanda, nagtalaga ang Kagawaran ng Agrikultura
ng isang cloud seeding sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan at sa Mindanao. Ito ang
dalawang rehiyong kadalasang naaapektuhan ng El Niño. Hinihikayat naman ni
Domingo Panganiban, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran, ang mga magsasaka na magtanim ng mais at palay nang mas maaga upang sa susunod na taon ay umani ng dalawang ulit. Sa kadahilanang hindi malaman kung kailan darating ang ElNino,lubhang kailangan ang paghahanda,Ano-ano ang mga paghahandang dapat nating gawin? tanong 1.Ano ang tawag sa panahong pag init ng Equatorial Pacific Ocean na kaaapekto sa klima ng boung daigdig?​