Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag ay mali.
________1. Ang bawat tao ay walang karapatan. Karapatan ng bawat tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay na may dignidad bilang isang mabuting tao.
________2. Ang karapatang pantao ay nahahati sa bilang isang indibidwal at sa pangkatan.
________3. Karapatang Sibil. Ito ay ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng lipunan tulad ng bumuto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at asembliya.
________4. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatang tungkol sa pagsusulong ng sariling pangkabuhayan upang magkaroon ng disenteng pamumuhay.
________5. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pagpaunlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
________6. Karapatang Panlipunan. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
________7. Kabilang sa Bill of Rights (Art III) ang karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas.
________8. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng karapatang Pantao (Universe Declaration of Human Rights o UDHR)
________9. Ang UDHR ay nilagdaan noong Desyembre 10, 1938.
________10. Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Panlipunan at Pangkultural - ang kasunduang ito ay nabuo upang mabigyang proteksyon ang mga indibidwal o pangkat sa iba’t-ibang panig ng mundo.
________11. Nakasaad Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the Child) na unang dapat isaalang-alang ng mga magulang at pamahalaan ang kapakanan ng mga bata sapagkat wala pa silang kalayaan na iligtas ang kanilang sarili.
________12. Nakasaad Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the Child) na ang kabataan ay may karapatan sa proteksyon laban sa diskriminasyon laban sa pang-aabuso at pagsasamantala.
________13. Kasunduan sa Hindi Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa kababaihan (Convention on Elimination of Discrimination Againts Women)
________14. May mga gawain ang mga lalaki na hindi kaya ng mga babae tulad ng gawain ng abogado, doctor, mekaniko, kaminero, inhenyero at maging sa larangan ng politika.
________15. Ang kasunduan sa pag-alis ng diskriminasyon laban sa kababaihan (Convention on Elimination of Discrimination Against Women) ay sinimulang ipinatupad noong 1981.