Sagot :
Answer:
Ano ang naging epekto nang pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas, Asya at sa buong mundo?
Malaki ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Asya at sa buong mundo. At narito ang ilan sa mga ito:Epekto sa Pilipinas at sa Asya noon at sa kasalukuyan.Noong panahon ng kolonyalismo, ay naging daan ito upang magkaroon ng pagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas. Dahil sa Suez Canal, ay nadagdagan ang mga Pilipinong nakapag-aral sa Espanya at iba pang bahagi ng Europa, dahilan upang magising ang mga ito sa tunay na kalagayan ng kanilang mga naiwan sa kolonya. Isa pa sa nagawa nito ay ang pagiging direkta ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Espanya, hindi tulad ng dati na kailangan pang tumawid ng Dagat Pasipiko (Pacific Ocean) patungo sa Mexico upang maipahatid ang kailangan sa Espanya. Ganito rin ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa ibang bahagi ng Asya na mga dating kolonya ng mga ibang bansa sa Europa.Sa kasalukuyan, ang Suez Canal ay nagiging daan para sa mabilis na pagdadala ng mga kalakal patungo sa Europa at dito sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asya. Gaya ng dati, patuloy ang pagdaloy ng iba’t ibang Ideya mula sa magkabilang bahagi ng mundo. Nabigyan din ng pagkakataon ang maraming mandaragat na Pilipino at iba pang Asyano na magkaroon ng hanapbuhay sa mga barkong dumadaan sa Suez Canal. Epekto ng Suez Canal sa Buong Mundo.Ano mang pagbiyahe sa dagat na giagamitan ng sasakyang pandagat ay nakikinabang sa Suez Canal. Ang mga barko na magmumula o papunta sa Silangang bahagi ng Africa at Asya, Gitnang Silangan, Australia, Hilagang Africa at Europa, ay nakikinabang sa pagbubukas ng daanang ito.