May dalawang magkapatid na lalaki na nasangkot sa isang malaking gulo. Nagpasiya silang iwan ang kanilang lugar at magtungo sa ibang lugar. Nangailangan din sila ng pera. Si Karl, ang mas nakatatanda, ay pumasok sa isang tindahan upang magnakaw at nakakuha siya ng sampung libong piso. Si Bob naman, ang mas nakababata, ay nagtungo sa isang retiradong lalaki na kilala sa pagiging matulungin sa mga taong naninirahan sa kanilang lugar. Sinabi niya rito na siya ay may malubhang karamdaman at kallangan ng sampung libong piso para sa kanyang operasyon. Nakiusap si Bob sa matanda na pahiramin siya ng pera at nangakong ito ay babayaran kapag siya ay ganap nang gumaling. Kahit pa hindi ganap na kilala ng matandang lalaki si Bob ay pinahiram niya ito ng pera. Si Karl at si Bod ay nakatakas na may hawak na tig-sasampung libong piso.
naging irresponsibly ba ang matanda sa pagpapahiram ng pera kay bob pangatwiran​