Answer:
Sino nga ba si Padre Fernandez sa El Filibusterismo siya ay isang dominikong may liberal na paninindigan bilang kura, at kilalang bukod tanging kura na modelo sa mabuting pag-uugali.siya ay isa sa mga propesor sa pinapasukang paaralan ni Isagani, Sa kabanta 27 ng El Filibusterisno na pinamagatang “Ang Prayle at ang Pilipino” Siya ang prayle na nagpatawag kay Isagani upang kausapin ito dahil sa maapoy na pagtatalumpati ng binata.Nagkaroon sila ng mahabang pagsasalitaan ni Isagani Tungkol sa kanilang mga opinyon sa pamahalaan at sa simbahan,sa bandang huli ay humanga si Padre Fernandez sa katalinuhan at tibay ng paninindigan nito sa kaniyang mga pinaglalaban.
Sa kanilang huling pag uusap ay inakbayan ni Padre Fernandez si Isagani at winika niya na malaki ang natutunan nito sa pakikipag usap sa kanyang estudyante ibabalita daw niya sa kanyang mga kasamahan lahat ng kanilang mga napag-usapan,Nangangamba si Padre Fernandez na baka walang maniwalang may isang de-kalidad na kabataang katulad ni Isagani na dapat hangaan kamayan at saluduhan.
At sinagot siya ni Isagani na ganundin ang nararamdaman niya tiyak na mag uusisa rin sila kung totoo ngang may isang kurang katulad ninyo na pumapanig sa katotohanan at sa katarungan at hinding-hindi nagpapaalipin sa opinyon ng mga kasamaan.
Explanation: