Ano ang sistemang caste

Sagot :

Sa Indya, ang isang kasta sistema nagsasagawa ng dibisyon ng labor at kapangyarihan ng tao sa lipunan. Ito ay isang sistema ng panlipunang pagsasapin-sapin
Ito ay isang uri ng social class dati sa India. 
Ang pinakamataas ay ang mga Brahmans na kung saaan ay binubuo ng mga pari.
Ang sumunod ay ang mga Kshatriya o mga mandirigma at mga hari't reyna.
Sumunod ang mga Vaisyas o mga karaniwang tao lamang.
Sumunod ay ang mga Sudras o mga alipin o magsasaka. Ito ang pinakamababang uri sa lipunan.
Ang mga Outcaste naman ay hindi kabilang sa lipunan.