ano ang kaibahan ng pamahalaang militar sa pamahalaang sibil?

Sagot :

PAMAHALAANG MILITAR AT PAMAHALAANG SIBIL

1. Pamahalaang Militar

  • Ang namuno sa pamahalaang ito ay si William McKinley. Si Heneral Wesly Meritt naman ang unang nanungkulan sa pilipinas bilang gobernador-heneral.
  • Layunin ng pamahalaang ito na mapigilan ang mga pag-aalsang maaaring sumiklab sa bansa.
  • Tungkulin rin nila na mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa Pilipinas.

2. Pamahalaang Sibil

  • Ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang ito ay si William H. Taft.
  • Ang US Congress ay may ipinasang batas. Ito ay ang Spooner Amendment na nagbigay-daan upang mapalitan na ang pamahalaang militar at ipatupad na ang pamahalaang sibil.
  • Layunin nito na itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan.

PINAGKAIBA

  • Sa pamahalaang militar, walang karapatan o kapangyarihan ang mga tao at mga militar ang namumuno. Samantalang sa pamahalaang sibil, maaaring mamuno ang mga Pilipino.

Karagdagang impormasyon

brainly.ph/question/898000

brainly.ph/question/903490

#BetterWithBrainly