Ang layunin nito ay mas lalong paigtingin ang pag-aaral. Nang sa gayon ay mas maging bihasa ang mga mag-aaral o estudyante sa mga pipiin nilang karera o larangan pagdating ng panahon. Pinapadali din nito ang kakayahan ng isa na makapagtrabaho kaagad. At sa tulong nito, mas nagkakaroon ng tiyansa ang mga mag-aaral na pagbutihin at pahalagahan ang edukasyon.